Friday, June 22, 2007

lang kwenta

kelangan ko na daw magpost pero wala tlga ako maisip eh, baka dahil gutom ako, or baka dahil antok na ako...kung antok ka at gutom at the same time? anong uunahin mong gawin? matulog or kumain?...eh pano kung naiihi ka pero nauuhaw ka din naman (nangyari sa akin to, so possible sya) haha...iinom ka ba muna or magccr muna? hahaha

sabi ko nga eh, lang kwenta...sorry, next time gawa ako matino :$

p.s.
disclaimer: nacopy ko lang to somewhere =p

Monday, June 11, 2007

mush/see movie

may alam akong magandang gawin, stress free...

bakit nga ba ang tagal-tagal nating hindi nagsama-sama?

si Meg, galing sa Alaska.
si Kaye, galing sa Singapore.
si Jode, galing sa hmm LBM. (dahil sa food poisoning)
si She, galing sa kainan. (pg. peace! :p)

Welcome back sa ating lahat. Namiss natin ang isa't isa. naks! ay mali...

i never got there

si DJ, di pa bumabalik...

DJ, namimiss mo na ba kame? Kame rin eh, namimiss na namin mga sarili namin :P

si Rage, ang aming honorary member, ayun asa Dota pa rin :P

heniweiz... wadda wadda...

silence on the set please!

lights... camera... ACTION!

oops, wala pa pala ang mga bida. asan ang mga bida?!

magagalit ka ba kung sasabihin ko na i'm getting there?

sa osmeƱa highway...

meg: alam niyo ba nung naghiwalay kame ng kapatid ko...
jks: ah andun din ba kapatid mo?
meg: wala
jks: pano kayo nagkita?
meg: eh kaya nga ako nagpunta dun para um-attend ng graduation niya di ba?
jks: so andun nga siya?
meg: oo

tawa tawa tawa.

makakarating ka naman di ba?

meg: so ayun, alam niyo ba nung naghiwalay kame ng kapatid ko, umiyak ako hindi ko alam kung bakit :(
jks: huh? eh siyempre kapatid mo yun, family yun eh. pag naghiwalay kayo iiyak ka talaga
meg: eh kasi alam niyo ba binilhan ko siya ng FCUK na jacket worth 7K.
jks: ah naiiyak ka kasi naiisip mo "7K ko yan eh! huhuhu"
meg: hindi. kasi lagi niyang sinusuot. pag nakikita ko, naiiyak ako.
jks: honga, kasi lagi mong naalala na 7k mo un eh. hahaha
meg: hindi. kasi nung nakita ko halos everyday suot niya ung binili ko para sa kanya. nak-scrubs siya tapos suot niya yung jacket. sobrang proud ako sa kanya. Yun yung reason kung bakit ako naiiyak.
jks: ah so alam mo kung bakit ka naiyak?
meg: Oo.
jks: Sabi mo hindi mo alam :P

tawa tawa tawa.. kakatawa, na-miss yung kalye kung san dapat mag-right turn so umikot sa teritoryo ni estre, ang maga, tapos pagdating sa EDSA...

unahin muna natin to... ang lalandi niyo

meg: bakit ang bibilis ng mga sasakyan, weird.
jks: honga eh lahat sila mabibilis, lahat sila weird :P
jks ulet: baka hindi talaga sila mabibilis, mabagal lang talaga tayo :P

lokong expedition, lokong lexus, delayers! singit nang singit! mga weird kayo!

malapit na...

kame nga ay nakarating sa aming destinasyon at as usual late kame sa movie. hindi ko sasabihin kung bakit kame na-late, hulaan niyo na lang. pero wala rin akong sinisisi ha, okay Meg? joke! mga 10 mins lang naman yun eh. haha gusto ko tuloy siya panoorin ulet :P

hindi mo to kakayanin, kumapit ka...

pagkatapos ng mahabang panahon, ang apat na naggagandahang bida ay muling nagsama-sama sa isang pelikula, Paano Kita Iibigin. Comic-Rom. Laugh trip yung umpisa. Masayado lang madrama yung mga lines nila sa ending. Cheeeeeeezzzzzzyyyyyyyyyy.

pinangakuan ka na nga, gusto mo pa tuparin niya...

Yung mga punch lines ni Liwayway (Eugene Domingo, ang sumasaway sa bossing na naglaladian), PANALO! Sobrang saya nung movie dahil sa kanya plus si Liam (anak ni Regine sa movie, ang batang nagda-drugs :P). At siyempre naman ang kaguwapuhan at katawan pare, ni Lance (Piolo, ang... guwapo at ang.. ganda ng katawan). Woohoooo!!!!!!!! :) panoorin niyo hahaha. oops comment ko kay Martee (Regine, ang babaeng marupok) ? hmm bra-less! hehe

Welcome to Heaven's Resort! Where you can rest... in peace - forever! Welcome to Heaven's Resort. It's a lovely place, such a lovely place.

God is good :)

inaantok na ako... bukas ulet...