may alam akong magandang gawin, stress free...
bakit nga ba ang tagal-tagal nating hindi nagsama-sama?
si Meg, galing sa Alaska.
si Kaye, galing sa Singapore.
si Jode, galing sa hmm LBM. (dahil sa food poisoning)
si She, galing sa kainan. (pg. peace! :p)
Welcome back sa ating lahat. Namiss natin ang isa't isa. naks! ay mali...
i never got there
si DJ, di pa bumabalik...
DJ, namimiss mo na ba kame? Kame rin eh, namimiss na namin mga sarili namin :P
si Rage, ang aming honorary member, ayun asa Dota pa rin :P
heniweiz... wadda wadda...
silence on the set please!
lights... camera... ACTION!
oops, wala pa pala ang mga bida. asan ang mga bida?!
magagalit ka ba kung sasabihin ko na i'm getting there?
sa osmeƱa highway...
meg: alam niyo ba nung naghiwalay kame ng kapatid ko...
jks: ah andun din ba kapatid mo?
meg: wala
jks: pano kayo nagkita?
meg: eh kaya nga ako nagpunta dun para um-attend ng graduation niya di ba?
jks: so andun nga siya?
meg: oo
tawa tawa tawa.
makakarating ka naman di ba?
meg: so ayun, alam niyo ba nung naghiwalay kame ng kapatid ko, umiyak ako hindi ko alam kung bakit :(
jks: huh? eh siyempre kapatid mo yun, family yun eh. pag naghiwalay kayo iiyak ka talaga
meg: eh kasi alam niyo ba binilhan ko siya ng FCUK na jacket worth 7K.
jks: ah naiiyak ka kasi naiisip mo "7K ko yan eh! huhuhu"
meg: hindi. kasi lagi niyang sinusuot. pag nakikita ko, naiiyak ako.
jks: honga, kasi lagi mong naalala na 7k mo un eh. hahaha
meg: hindi. kasi nung nakita ko halos everyday suot niya ung binili ko para sa kanya. nak-scrubs siya tapos suot niya yung jacket. sobrang proud ako sa kanya. Yun yung reason kung bakit ako naiiyak.
jks: ah so alam mo kung bakit ka naiyak?
meg: Oo.
jks: Sabi mo hindi mo alam :P
tawa tawa tawa.. kakatawa, na-miss yung kalye kung san dapat mag-right turn so umikot sa teritoryo ni estre, ang maga, tapos pagdating sa EDSA...
unahin muna natin to... ang lalandi niyo
meg: bakit ang bibilis ng mga sasakyan, weird.
jks: honga eh lahat sila mabibilis, lahat sila weird :P
jks ulet: baka hindi talaga sila mabibilis, mabagal lang talaga tayo :P
lokong expedition, lokong lexus, delayers! singit nang singit! mga weird kayo!
malapit na...
kame nga ay nakarating sa aming destinasyon at as usual late kame sa movie. hindi ko sasabihin kung bakit kame na-late, hulaan niyo na lang. pero wala rin akong sinisisi ha, okay Meg? joke! mga 10 mins lang naman yun eh. haha gusto ko tuloy siya panoorin ulet :P
hindi mo to kakayanin, kumapit ka...
pagkatapos ng mahabang panahon, ang apat na naggagandahang bida ay muling nagsama-sama sa isang pelikula, Paano Kita Iibigin. Comic-Rom. Laugh trip yung umpisa. Masayado lang madrama yung mga lines nila sa ending. Cheeeeeeezzzzzzyyyyyyyyyy.
pinangakuan ka na nga, gusto mo pa tuparin niya...
Yung mga punch lines ni Liwayway (Eugene Domingo, ang sumasaway sa bossing na naglaladian), PANALO! Sobrang saya nung movie dahil sa kanya plus si Liam (anak ni Regine sa movie, ang batang nagda-drugs :P). At siyempre naman ang kaguwapuhan at katawan pare, ni Lance (Piolo, ang... guwapo at ang.. ganda ng katawan). Woohoooo!!!!!!!! :) panoorin niyo hahaha. oops comment ko kay Martee (Regine, ang babaeng marupok) ? hmm bra-less! hehe
Welcome to Heaven's Resort! Where you can rest... in peace - forever! Welcome to Heaven's Resort. It's a lovely place, such a lovely place.
God is good :)
inaantok na ako... bukas ulet...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
hahahahaha!!!!!! grabe, inantay ko talaga to ma-post. at eto ang unang ginawa ko ngayon sa trabaho. wahahahaha!!!! dabest ka talaga! laughtrip sobra.. hahaha!!! buti napatawa mo ko ngayong araw na to. ngarag at tense pa ako. syet!
such a lovely place. such a lovely place.
sa wakas....final version na daw to at pwede ko ng basahin, hahaha =p
saya nung movie, grabe, tawa kami ng tawa, sa sobrang saya, ndi na ako naiyak kahit na nagddrama na sila, hehe
sa uulitin!
jode, ikwento mo pa sa akin ung start kung bakit natanggal si regine sa work, hehehe
she, hindi ko alam ung start.. ang alam ko lang si piolo yung client na nakaaway ni regine sa fone dun sa call center kaya siya natanggal sa trabaho :p
hahahaha, ang saya ng post na to, kalahati pa lang tawa na ako ng tawa, hahaha, da best talaga tong si marga! hehehe, and easy lang jsk, easy lang sa pangaapi, hehehe, miss ko na ang ating tawanan, hehehe, huhuhuhu, ayaw ko dito, puro speed limit, hehehe, wala lang, hahaha...
hahaha dj ndi ka makafast and the furious? ndi ba pwede ung pasingit singit dyan? =p kawawa, balik ka na dito...at least pwede dito :D
tmb-ers, wat's the next movie? :D
Post a Comment